Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

09 February, 2008

lahat


pagtingin ko ay nabuo
sa pguugali mong totoo
pero bakit binago mo
hindi na sana ngkaganito
ako ay nabihag mo
sa hubog at pagkatao mo
please naman ako ay pakawalan
bago pa kita mahalin hangang kamatayan


08 February, 2008

ikaw ba toh


sabi ko nga nung simula

hindi naman kailangan magalala
pero mula ng ikaw'y nakilala
at maswerte na ikaw'y aking nakita
pati na ang minsan kita'y nakasama
biglang nagiba ang aking paniniwla
biglang hindi na mapakali
hanggang sa tuluyang nabighani
hindi maipaliwanag ang dahilan
ng masasabi kong kahibangan
dahil nga kaya sa iyong kagandahan
at sa iyong napagandang katawan
kasama na ang hilig mong makipagtawanan
at mga banat mo sa ating mga kulitan
hindi na siguro mapipigilan
at pagibig sayo lang plano ilaan
sana lang ito ay maging pangmatagalan
dahil hindi ko na iniisip na ikaw'y papakawalan


07 February, 2008

oo


hindi man magkabalikan
hayaan aking pahalagahan
mga pangyayaring nakaraan
at hindi lilimutin kailan man
sana iyong bigyan halaga
mga paulit-ulit na salita
buhat sa kahapong kay saya
bakit ngayon biglang naglaho na


06 February, 2008

anong nangyari


tatlong araw ang lumipas

lahat biglang kumupas
mga alaalang nakaraan
bigla na lang kinalimutan
sana'y maalala mo
lahat ng bagay na nasabi ko
dahil lahat ay seryoso
at galing sa aking puso


05 February, 2008

sana maging masaya ka


hindi ko kayang mapunta ka sa iba

pero titiisin kong lumalayo ka na
piniplit kong makatulog
pero ginigising ako ng takot
tama ba na iwasan na kita
lalo na ngayon tingin ko handa ka na


03 February, 2008

ang pagkabahala


hindi alam kung hangang kailan magtiya-tiyaga
lalo na hindi sigurado sa mapapala
sana ay magbigay naman ng babala
kapag pinaghirapan ay bigla nalang mababaliwala
kahit sa simple lamang na mga salita
huwag naman gawing kaawawa
dahil sa ang loob ko ay talagang mahina
baka hindi makaya ang sakit na makukuha


02 February, 2008

ano ang kulang


mahirap ibalik ang nakaraan
nagkulang na hindi kayang punuan
gusto mo ulitin
hindi naman kayang gawin
pero pinakamahirap sa lahat
habang panahon ay sapat
para maibalik ang nawala
pero hindi naman makapagsimula


01 February, 2008

kahit kailan


lahat ng ating mga alaala
sa puso't isip ay hindi na mawawala
kahit ilang panahon ang lumipas
pagmamahal sayo ay hindi kukupas
hindi man dapat mangako
pero ikaw lang ang nasa puso


29 January, 2008

sana ay mahalin


ano bang dapat gawin

para iyong intindihin
kundi man seryosohin
mabigyan naman ng pansin
ang alay kong pagtingin
huwag naman baliwalain
ang aking hiling
na ako ay iyong mahalin


28 January, 2008

ating nakaraan


gusto ko ulit dumaan
sa mga pangyayaring nakaraan
at kung ito lang ang paraan
para iyong maramdaman
mga pangarap sayo nakalaan
pipilitin makamtan
ang ating kaayusan
at pagibig na walang hanggan


27 January, 2008

hindi kayang sabihin


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na kung hindi makuha ng direkta
umuurong aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi talagang mahal kita


26 January, 2008

patibong ng puso


pasensya na

ako ay inaatake ata
ng sakit ko na

talagang nakakapagtaka

bakit ka ba ganyan
tanong nga ng iba dyan
mahirap pa din ba
maintindihan na
nahuhulog na ako
sa patibong mo
para mapamahal sayo


25 January, 2008

ang kaibigan


hindi inakala
ikaw'y makikilala
hindi inasahan
ikaw'y magiging kaibigan
pero masaya na ako
andito na tayo
magkaibigan
sana wala nang iwanan
pangako ko sayo
andito lang ako
asahan mo
handang magsakripisyo
para makatulong sayo
kaibigan ko


24 January, 2008

ngiti ng pagibig


anong alam ko sa pagibig
gayong wala naman sa akin umiibig
oh buhay laging bigo
kailan kaya kapalaran magbabago
nakakaiyak naman
pero hindi tru-to-layp yan
masaya naman ako
hindi ba halata ngayon nakangiti ako


23 January, 2008

kapag iyong iniwan


nakayakap sa unan

nakatitig sa buhos ng ulan

nagiisip pano ba magiging maligaya
kapag hindi ka na muling makakasama
umiiwas lumuha

sa tuwing may naalala

bakit nga ganun ang tadhana
andito ako mag isang nagdurusa


18 January, 2008

kanta ng ating barkada


:A:

nasaan ka na aming kaibigan
bakit wla ng nababalitaan
hindi na din nagpaparamdam
kaya hindi alam kung ikaw'y nasaan

:B:
sabi nga pala ng tropa
bakit hindi tayo mgkita kita
konting salo salo
cgurado maglalasing tayo

:C:
kaibigan, tara na dito
dun sa poste malapit sa kanto
handa na ang ating paborito
inihaw na embotido
kasabay ng suka at toyo
sigurado solb na solb na tau

:D:
saan ka ba makakausap
kaw na lang ang hinahanap
handa na ang mga sigarilyo
pati ang boteng may nakangiting kabayo

repeat :C:

:E:
basta dahan dahan lang ang tungga
para hindi bigla ang tama
at tuloy lang ang saya
ng ang lasing ay hindi mahalata


17 January, 2008

ikaw lang at ako


hindi ka ba nagtataka
lalo na kapag tayo ay magkasama
madalas napapatulala
ngiti sabay tawa
hindi makapagsalita
at nakatitig lang sa iyong mga mata
hindi alam ang sasabihin
hindi mapalagay sa kung ano ang gagawin
hindi maipaliwanag ang damdamin
sana na lang lagi kang andyan para sa akin
siguro nga lahat ay dahil ako ay masaya
dahil naniniwla ako, ikaw lang at ako wala ng iba


16 January, 2008

ikaw


ikaw ang naiisip

sayo gusto tumitig
ikaw ang panaginip
sayo gusto umibig
minamahal kita
magmula ng makilala ka
hindi magbabago
kahit umulan at bumagyo
i love you


15 January, 2008

aking hinaing


bakit hindi ka natutuwa
at tila galit pa
minahal na nga kita
bakit parang baliwala pa
masakit, napakapait
kirot aki'y batid
ganun ba kapag nagmahal
bawal ng umangal
at asahan mo na
sigurado sa huli masasaktan ka


14 January, 2008

pahiwatig


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na
kung hindi makuha ng direkta
umuurong kasi aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi mahal na kita


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape