Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

11 February, 2008

pangit


may bulong ako
hihinaan ko
kasi nahihiya ako
baka sabhin mo
ang kapal ko
pero tanggap ko
kahit baliwalain mo
higit pa ikagalit mo
kasi naman totoo
talaga naman ang pangit mo
itanong mo pa sa ibang tao


10 February, 2008

ang totoo


hindi ba talagang nakakatawa
pati silang mga kogresista
parang naglolokohan na
ganyan na lang ba talaga sila
biruin mo lagi na lang nagkakagulo
pati isip ng karaniwang tao
nadadala ng kani-kanilang mga pakulo
talaga nga naman nakakalito
hindi na alam kung ano ang totoo
sa palabas na halatang moro-moro
sana gawin na lang ang kanilang mga trabaho
at huwag na magsiraan ng pagkatao


04 February, 2008

nakakatawa ba


naalala ko nung isang araw
nadulas ako sa may hagdanan
kaya nga ako ay tanga raw
hindi nagiingat kaya laging nasasaktan
sabi ko naman ako ay ok lang
kahit pa laging napagtatawanan
dahil tanggap ko maging isang katatawanan
lalo na para sa mga taong mababaw ang kaligayahan
kaya nga siguro andito ako sa mundo
para makapagbigay saya lalo na para sa inyo
kaya sana huwag ng pigilan ang tawa
para pakiramdam ay laging masaya


02 February, 2008

ano ang kulang


mahirap ibalik ang nakaraan
nagkulang na hindi kayang punuan
gusto mo ulitin
hindi naman kayang gawin
pero pinakamahirap sa lahat
habang panahon ay sapat
para maibalik ang nawala
pero hindi naman makapagsimula


31 January, 2008

problema ng buhay


hindi sapat ang patawad
para itama ang baliktad
hindi ang paglimot
ang solusyon para makalusot
bakit hindi umunawa
kaysa magmakaawa
hindi umiiyak
kahit pumapalpak
huwag maiinip
para maayos ang isip


21 January, 2008

ano ba yan


bakit ka nga ba nagkaganyan
hindi ka naman dati ganyan katabaan
parang bigla kang bumigat at nagkalaman
hindi tulad dati na parang ang gaan gaan
sasali ka din ba sa samahan
ng mga panlaban sa patabaan
na sa kusina ay laging napapabayaan
at sa pagkain ay hindi na napipigilan


20 January, 2008

panalangin


ako ay nananalangin
para sa sapat na hangin
katamtaman na init ng araw
at masaganang agos ng tubig na malinaw
huwag ninyong hayaan magkagulo
at panatilihing mapayapa ang mundo
bigyan lakas ang mahina
bigyan pagasa ang nagkasala
at sa inyong kamay
kame ay humihingi ng gabay
para sa pang araw-araw na buhay
at hanggang sa aming hukay


12 January, 2008

kwentong sabog

kahapon ng umaga
nagising ako ng alas ocho y medya
nagbukas ako ng telebisyon
at nilipat sa iba't ibang istasyon
hindi ako natuwa
kaya naisip kong bumangon na lang nga
pag tayo ko ng kama
naramdaman ko hinihila na ako ng kubeta
dahan dahan ko tinungo
ang trono ni mang doro
at pag lapat ng aking katawan
lumabas na ang laman ng aking tyan
kasama ang nakain kong malinamnam na ham
hindi ko maiiwasan
pero kay mang doro ako ay magpaalam
tutal lahat nasalo niya
kaya sana siya ay masaya na
pakatapos naligo ako
nagshampoo ng ulo
nagsabon ng mukha
katawan, hangang paa
hindi ko na namalayan
pati oras aki'y napabayaan
napasarap aking karanasan
kaya almusal ay hindi na naabutan
yun pala ay alas dose na
at sigurado tanghalian ay nakahanda na
nagmadali akong nagbanlaw
para mahigop pa nang mainit ang sabaw
pagkatapos dinampot ko ang sipilyo
at inisnis na sa ngipin ko
dahan dahan para swabe
at mga ngipin ay maging maputing disente
nagpunas na ako ng twalya
at nagdamit ng kulay pula
hangang dito na lang siguro muna
salamat sa pagbasa


02 January, 2008

life so be it


magdamag nakatulala
lagi na lang nakatingala
nakatitig sa mga tala
nagiisip ng mga lumang alaala
panahon na lumipas
umaasa maging katulad para bukas
sana ang saya ay hindi kumupas
at lungkot ay hayaan nang lumampas
ang sakit ay huwag indahin
ang sarap ay namnamin
ang hirap ay kayanin
ang mga pagsubok ay harapin
ganyan naman nga ang buhay
hindi dapat tumigil at bumigay
dapat matuto at masanay
dahil sa huli ikaw ang magiging matibay


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape