Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

02 January, 2008

life so be it


magdamag nakatulala
lagi na lang nakatingala
nakatitig sa mga tala
nagiisip ng mga lumang alaala
panahon na lumipas
umaasa maging katulad para bukas
sana ang saya ay hindi kumupas
at lungkot ay hayaan nang lumampas
ang sakit ay huwag indahin
ang sarap ay namnamin
ang hirap ay kayanin
ang mga pagsubok ay harapin
ganyan naman nga ang buhay
hindi dapat tumigil at bumigay
dapat matuto at masanay
dahil sa huli ikaw ang magiging matibay


No comments:

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape