Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

11 January, 2008

bakit hindi ako


manhid lang ba
o sadyang tanga
hindi mo ba nakikita
na mahal kita
ewan ko sayo
masyado kang bato
andito na nga ako
ang hilig pang lumayo
sana lang makita mo
yung taong gusto mo
kahit hindi ako
basta mahal mo
masaya na din ako


2 comments:

Anonymous said...

maraming katanungan ang nilalaman ng mensahe mo..
ngunit hindi mo ba napagtanto na maaaring pinapatamaan mo din
ang iyong sarili..

baka lamang ika'y pinaglalaruan ng tadhana..
sa pagkakataong ito..

laging isaisip na hindi lamang ikaw ang nasasaktan..
maaring meron ding nilalang na doble ang sakit na nadarama..
dahil nakikita kang nahihirapan..

chalk.ph said...

salamat sa pagiging seryoso
tama ka maraming laman ang mensahe ko
pero sa pagkakataong ito
masasabi ko masaya ako
isa lang nman yang kathang isip
nadampot sa aking mga panaginip
naalala ko dahil sa ako ay naiinip
nagawa dahil wla ng ibang maisip

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape