Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

22 January, 2008

ang pangit mo


hindi ko malaman
hindi ka naman ganun kagandahan
pero kung umasta ka
parang lahat kame gusto ka
dapat na sigurong gisingin ka
malamang binabangungot ka na
sa panaginip mo
na kame ay nabibighani sa iyo
yun ang akala mo
ang kapal ng mukha mo
para isipin na nahuhulog na kame sayo
sino ka na nga ba
parang hindi nga kita kilala
saan ka ba nang galing
baka hinahanap ka na ng ama mong lasing
sabi mo pa nga daw
hindi ka papatol sa mukhang kalabaw
pero bakit mukha kang langaw
na naisiksik sa sako ng gawgaw
hindi ka na talaga nakakatuwa
sa sarili mo naman ikaw ay maawa
baguhin ugaling mong saliwa
bago pa ikiskis sa pader ang iyong mukha


No comments:

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape