Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

Showing posts with label sweet. Show all posts
Showing posts with label sweet. Show all posts

09 February, 2008

lahat


pagtingin ko ay nabuo
sa pguugali mong totoo
pero bakit binago mo
hindi na sana ngkaganito
ako ay nabihag mo
sa hubog at pagkatao mo
please naman ako ay pakawalan
bago pa kita mahalin hangang kamatayan


08 February, 2008

ikaw ba toh


sabi ko nga nung simula

hindi naman kailangan magalala
pero mula ng ikaw'y nakilala
at maswerte na ikaw'y aking nakita
pati na ang minsan kita'y nakasama
biglang nagiba ang aking paniniwla
biglang hindi na mapakali
hanggang sa tuluyang nabighani
hindi maipaliwanag ang dahilan
ng masasabi kong kahibangan
dahil nga kaya sa iyong kagandahan
at sa iyong napagandang katawan
kasama na ang hilig mong makipagtawanan
at mga banat mo sa ating mga kulitan
hindi na siguro mapipigilan
at pagibig sayo lang plano ilaan
sana lang ito ay maging pangmatagalan
dahil hindi ko na iniisip na ikaw'y papakawalan


01 February, 2008

kahit kailan


lahat ng ating mga alaala
sa puso't isip ay hindi na mawawala
kahit ilang panahon ang lumipas
pagmamahal sayo ay hindi kukupas
hindi man dapat mangako
pero ikaw lang ang nasa puso


28 January, 2008

ating nakaraan


gusto ko ulit dumaan
sa mga pangyayaring nakaraan
at kung ito lang ang paraan
para iyong maramdaman
mga pangarap sayo nakalaan
pipilitin makamtan
ang ating kaayusan
at pagibig na walang hanggan


27 January, 2008

hindi kayang sabihin


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na kung hindi makuha ng direkta
umuurong aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi talagang mahal kita


25 January, 2008

ang kaibigan


hindi inakala
ikaw'y makikilala
hindi inasahan
ikaw'y magiging kaibigan
pero masaya na ako
andito na tayo
magkaibigan
sana wala nang iwanan
pangako ko sayo
andito lang ako
asahan mo
handang magsakripisyo
para makatulong sayo
kaibigan ko


17 January, 2008

ikaw lang at ako


hindi ka ba nagtataka
lalo na kapag tayo ay magkasama
madalas napapatulala
ngiti sabay tawa
hindi makapagsalita
at nakatitig lang sa iyong mga mata
hindi alam ang sasabihin
hindi mapalagay sa kung ano ang gagawin
hindi maipaliwanag ang damdamin
sana na lang lagi kang andyan para sa akin
siguro nga lahat ay dahil ako ay masaya
dahil naniniwla ako, ikaw lang at ako wala ng iba


16 January, 2008

ikaw


ikaw ang naiisip

sayo gusto tumitig
ikaw ang panaginip
sayo gusto umibig
minamahal kita
magmula ng makilala ka
hindi magbabago
kahit umulan at bumagyo
i love you


14 January, 2008

pahiwatig


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na
kung hindi makuha ng direkta
umuurong kasi aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi mahal na kita


10 January, 2008

dyas por yoo


ang saya
dahil andyan ka
pano kaya
kapag nawala ka pa
pilit pipigilan
kahit mahirapan
lahat gagawin
para ikaw ay paligayahin
saan, kahit kailan
hindi ka na papakawalan
kaya tandaan
huwag kalimutan
mamahalin kita
kahit sino ka pa


09 January, 2008

swet mo dung


huwag mong sabihin
ikaw ay balewala sa akin
huwag mong iparamdam
na parang wala akong pakialam
huwag mong ipakita
na hindi ako maligaya
huwag mong isipin
na hindi ako masaya sa iyong piling
huwag ka nang magtaka
dahil mahal kita


05 January, 2008

kiss na tayo


kung meron akong
kasalanan
sana pwede mo akong
pakisabihan
madali lang naman akong
umintindi
basta wag ka lang
manggalaiti
sorry na
peace na tayo
pwede ba
bati na tayo


04 January, 2008

iyong ngiti


huwag ka na magsungit

mukha mo'y magkakaguhit
bakit hindi na lang ngumiti
ilabas ngiping mapuputi
hindi ba't lalabas na maganda ka
at magiging kaakit-akit pa
baka pati nga ako mabighani
kapag nakitang may ngiti sa iyong labi


03 January, 2008

lahat para sayo


hindi ka man abot ng paningin
dadating din ang halik sa hangin
di na kailangan hilingin
dahil sa puso ko ikaw pa din
pakinggan ang tinig
parang may pahiwatig
hindi man napapansin
lahat para sayo pa rin


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape