Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

11 February, 2008

pangit


may bulong ako
hihinaan ko
kasi nahihiya ako
baka sabhin mo
ang kapal ko
pero tanggap ko
kahit baliwalain mo
higit pa ikagalit mo
kasi naman totoo
talaga naman ang pangit mo
itanong mo pa sa ibang tao


10 February, 2008

ang totoo


hindi ba talagang nakakatawa
pati silang mga kogresista
parang naglolokohan na
ganyan na lang ba talaga sila
biruin mo lagi na lang nagkakagulo
pati isip ng karaniwang tao
nadadala ng kani-kanilang mga pakulo
talaga nga naman nakakalito
hindi na alam kung ano ang totoo
sa palabas na halatang moro-moro
sana gawin na lang ang kanilang mga trabaho
at huwag na magsiraan ng pagkatao


09 February, 2008

lahat


pagtingin ko ay nabuo
sa pguugali mong totoo
pero bakit binago mo
hindi na sana ngkaganito
ako ay nabihag mo
sa hubog at pagkatao mo
please naman ako ay pakawalan
bago pa kita mahalin hangang kamatayan


08 February, 2008

ikaw ba toh


sabi ko nga nung simula

hindi naman kailangan magalala
pero mula ng ikaw'y nakilala
at maswerte na ikaw'y aking nakita
pati na ang minsan kita'y nakasama
biglang nagiba ang aking paniniwla
biglang hindi na mapakali
hanggang sa tuluyang nabighani
hindi maipaliwanag ang dahilan
ng masasabi kong kahibangan
dahil nga kaya sa iyong kagandahan
at sa iyong napagandang katawan
kasama na ang hilig mong makipagtawanan
at mga banat mo sa ating mga kulitan
hindi na siguro mapipigilan
at pagibig sayo lang plano ilaan
sana lang ito ay maging pangmatagalan
dahil hindi ko na iniisip na ikaw'y papakawalan


07 February, 2008

oo


hindi man magkabalikan
hayaan aking pahalagahan
mga pangyayaring nakaraan
at hindi lilimutin kailan man
sana iyong bigyan halaga
mga paulit-ulit na salita
buhat sa kahapong kay saya
bakit ngayon biglang naglaho na


06 February, 2008

anong nangyari


tatlong araw ang lumipas

lahat biglang kumupas
mga alaalang nakaraan
bigla na lang kinalimutan
sana'y maalala mo
lahat ng bagay na nasabi ko
dahil lahat ay seryoso
at galing sa aking puso


05 February, 2008

sana maging masaya ka


hindi ko kayang mapunta ka sa iba

pero titiisin kong lumalayo ka na
piniplit kong makatulog
pero ginigising ako ng takot
tama ba na iwasan na kita
lalo na ngayon tingin ko handa ka na


04 February, 2008

nakakatawa ba


naalala ko nung isang araw
nadulas ako sa may hagdanan
kaya nga ako ay tanga raw
hindi nagiingat kaya laging nasasaktan
sabi ko naman ako ay ok lang
kahit pa laging napagtatawanan
dahil tanggap ko maging isang katatawanan
lalo na para sa mga taong mababaw ang kaligayahan
kaya nga siguro andito ako sa mundo
para makapagbigay saya lalo na para sa inyo
kaya sana huwag ng pigilan ang tawa
para pakiramdam ay laging masaya


03 February, 2008

ang pagkabahala


hindi alam kung hangang kailan magtiya-tiyaga
lalo na hindi sigurado sa mapapala
sana ay magbigay naman ng babala
kapag pinaghirapan ay bigla nalang mababaliwala
kahit sa simple lamang na mga salita
huwag naman gawing kaawawa
dahil sa ang loob ko ay talagang mahina
baka hindi makaya ang sakit na makukuha


02 February, 2008

ano ang kulang


mahirap ibalik ang nakaraan
nagkulang na hindi kayang punuan
gusto mo ulitin
hindi naman kayang gawin
pero pinakamahirap sa lahat
habang panahon ay sapat
para maibalik ang nawala
pero hindi naman makapagsimula


01 February, 2008

kahit kailan


lahat ng ating mga alaala
sa puso't isip ay hindi na mawawala
kahit ilang panahon ang lumipas
pagmamahal sayo ay hindi kukupas
hindi man dapat mangako
pero ikaw lang ang nasa puso


31 January, 2008

problema ng buhay


hindi sapat ang patawad
para itama ang baliktad
hindi ang paglimot
ang solusyon para makalusot
bakit hindi umunawa
kaysa magmakaawa
hindi umiiyak
kahit pumapalpak
huwag maiinip
para maayos ang isip


30 January, 2008

wala nang karapatan


wala kang karapatan masaktan
dahil wala akong pakialam
kaya huwag mong idahilan
na ako ang may kasalanan
ngayon iniwan kita
dahil makasarili ka
mga hindi magagandang gawain
hilig mong ginagawa sa akin


29 January, 2008

sana ay mahalin


ano bang dapat gawin

para iyong intindihin
kundi man seryosohin
mabigyan naman ng pansin
ang alay kong pagtingin
huwag naman baliwalain
ang aking hiling
na ako ay iyong mahalin


28 January, 2008

ating nakaraan


gusto ko ulit dumaan
sa mga pangyayaring nakaraan
at kung ito lang ang paraan
para iyong maramdaman
mga pangarap sayo nakalaan
pipilitin makamtan
ang ating kaayusan
at pagibig na walang hanggan


27 January, 2008

hindi kayang sabihin


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na kung hindi makuha ng direkta
umuurong aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi talagang mahal kita


26 January, 2008

patibong ng puso


pasensya na

ako ay inaatake ata
ng sakit ko na

talagang nakakapagtaka

bakit ka ba ganyan
tanong nga ng iba dyan
mahirap pa din ba
maintindihan na
nahuhulog na ako
sa patibong mo
para mapamahal sayo


25 January, 2008

ang kaibigan


hindi inakala
ikaw'y makikilala
hindi inasahan
ikaw'y magiging kaibigan
pero masaya na ako
andito na tayo
magkaibigan
sana wala nang iwanan
pangako ko sayo
andito lang ako
asahan mo
handang magsakripisyo
para makatulong sayo
kaibigan ko


24 January, 2008

ngiti ng pagibig


anong alam ko sa pagibig
gayong wala naman sa akin umiibig
oh buhay laging bigo
kailan kaya kapalaran magbabago
nakakaiyak naman
pero hindi tru-to-layp yan
masaya naman ako
hindi ba halata ngayon nakangiti ako


23 January, 2008

kapag iyong iniwan


nakayakap sa unan

nakatitig sa buhos ng ulan

nagiisip pano ba magiging maligaya
kapag hindi ka na muling makakasama
umiiwas lumuha

sa tuwing may naalala

bakit nga ganun ang tadhana
andito ako mag isang nagdurusa


22 January, 2008

ang pangit mo


hindi ko malaman
hindi ka naman ganun kagandahan
pero kung umasta ka
parang lahat kame gusto ka
dapat na sigurong gisingin ka
malamang binabangungot ka na
sa panaginip mo
na kame ay nabibighani sa iyo
yun ang akala mo
ang kapal ng mukha mo
para isipin na nahuhulog na kame sayo
sino ka na nga ba
parang hindi nga kita kilala
saan ka ba nang galing
baka hinahanap ka na ng ama mong lasing
sabi mo pa nga daw
hindi ka papatol sa mukhang kalabaw
pero bakit mukha kang langaw
na naisiksik sa sako ng gawgaw
hindi ka na talaga nakakatuwa
sa sarili mo naman ikaw ay maawa
baguhin ugaling mong saliwa
bago pa ikiskis sa pader ang iyong mukha


21 January, 2008

ano ba yan


bakit ka nga ba nagkaganyan
hindi ka naman dati ganyan katabaan
parang bigla kang bumigat at nagkalaman
hindi tulad dati na parang ang gaan gaan
sasali ka din ba sa samahan
ng mga panlaban sa patabaan
na sa kusina ay laging napapabayaan
at sa pagkain ay hindi na napipigilan


20 January, 2008

panalangin


ako ay nananalangin
para sa sapat na hangin
katamtaman na init ng araw
at masaganang agos ng tubig na malinaw
huwag ninyong hayaan magkagulo
at panatilihing mapayapa ang mundo
bigyan lakas ang mahina
bigyan pagasa ang nagkasala
at sa inyong kamay
kame ay humihingi ng gabay
para sa pang araw-araw na buhay
at hanggang sa aming hukay


19 January, 2008

pakibasa nga


naniwala ka nman na mahal kita
akala mo pa nga totoo na tlaga
pero tanggapin mo na
pinagmukha lang kitang tanga


18 January, 2008

kanta ng ating barkada


:A:

nasaan ka na aming kaibigan
bakit wla ng nababalitaan
hindi na din nagpaparamdam
kaya hindi alam kung ikaw'y nasaan

:B:
sabi nga pala ng tropa
bakit hindi tayo mgkita kita
konting salo salo
cgurado maglalasing tayo

:C:
kaibigan, tara na dito
dun sa poste malapit sa kanto
handa na ang ating paborito
inihaw na embotido
kasabay ng suka at toyo
sigurado solb na solb na tau

:D:
saan ka ba makakausap
kaw na lang ang hinahanap
handa na ang mga sigarilyo
pati ang boteng may nakangiting kabayo

repeat :C:

:E:
basta dahan dahan lang ang tungga
para hindi bigla ang tama
at tuloy lang ang saya
ng ang lasing ay hindi mahalata


17 January, 2008

ikaw lang at ako


hindi ka ba nagtataka
lalo na kapag tayo ay magkasama
madalas napapatulala
ngiti sabay tawa
hindi makapagsalita
at nakatitig lang sa iyong mga mata
hindi alam ang sasabihin
hindi mapalagay sa kung ano ang gagawin
hindi maipaliwanag ang damdamin
sana na lang lagi kang andyan para sa akin
siguro nga lahat ay dahil ako ay masaya
dahil naniniwla ako, ikaw lang at ako wala ng iba


16 January, 2008

ikaw


ikaw ang naiisip

sayo gusto tumitig
ikaw ang panaginip
sayo gusto umibig
minamahal kita
magmula ng makilala ka
hindi magbabago
kahit umulan at bumagyo
i love you


15 January, 2008

aking hinaing


bakit hindi ka natutuwa
at tila galit pa
minahal na nga kita
bakit parang baliwala pa
masakit, napakapait
kirot aki'y batid
ganun ba kapag nagmahal
bawal ng umangal
at asahan mo na
sigurado sa huli masasaktan ka


14 January, 2008

pahiwatig


hindi ko man maamin
itong gustong sabihin
lahat tungkol sa damdamin
ganyan nga kapag mahiyain
pasensya na
kung hindi makuha ng direkta
umuurong kasi aking dila
basta sana hindi ka na mawala
kasi mahal na kita


13 January, 2008

hangang kailan


pwede naman maging tayo
pero ewan ko ba sayo
pinaasa mo lang ako
sa isang pangako
nahihirapan ang puso
at utak kakaisip sayo
pano bang malalampasan ito
sana naman bumalik na dito
at sana ay magkasama na tayo


12 January, 2008

kwentong sabog

kahapon ng umaga
nagising ako ng alas ocho y medya
nagbukas ako ng telebisyon
at nilipat sa iba't ibang istasyon
hindi ako natuwa
kaya naisip kong bumangon na lang nga
pag tayo ko ng kama
naramdaman ko hinihila na ako ng kubeta
dahan dahan ko tinungo
ang trono ni mang doro
at pag lapat ng aking katawan
lumabas na ang laman ng aking tyan
kasama ang nakain kong malinamnam na ham
hindi ko maiiwasan
pero kay mang doro ako ay magpaalam
tutal lahat nasalo niya
kaya sana siya ay masaya na
pakatapos naligo ako
nagshampoo ng ulo
nagsabon ng mukha
katawan, hangang paa
hindi ko na namalayan
pati oras aki'y napabayaan
napasarap aking karanasan
kaya almusal ay hindi na naabutan
yun pala ay alas dose na
at sigurado tanghalian ay nakahanda na
nagmadali akong nagbanlaw
para mahigop pa nang mainit ang sabaw
pagkatapos dinampot ko ang sipilyo
at inisnis na sa ngipin ko
dahan dahan para swabe
at mga ngipin ay maging maputing disente
nagpunas na ako ng twalya
at nagdamit ng kulay pula
hangang dito na lang siguro muna
salamat sa pagbasa


11 January, 2008

bakit hindi ako


manhid lang ba
o sadyang tanga
hindi mo ba nakikita
na mahal kita
ewan ko sayo
masyado kang bato
andito na nga ako
ang hilig pang lumayo
sana lang makita mo
yung taong gusto mo
kahit hindi ako
basta mahal mo
masaya na din ako


10 January, 2008

dyas por yoo


ang saya
dahil andyan ka
pano kaya
kapag nawala ka pa
pilit pipigilan
kahit mahirapan
lahat gagawin
para ikaw ay paligayahin
saan, kahit kailan
hindi ka na papakawalan
kaya tandaan
huwag kalimutan
mamahalin kita
kahit sino ka pa


09 January, 2008

swet mo dung


huwag mong sabihin
ikaw ay balewala sa akin
huwag mong iparamdam
na parang wala akong pakialam
huwag mong ipakita
na hindi ako maligaya
huwag mong isipin
na hindi ako masaya sa iyong piling
huwag ka nang magtaka
dahil mahal kita


08 January, 2008

bakit ngayon


kung kailan kita pinaligaya
saka mo ako pinagpalit sa iba
kung kailan kita pinakawalan
saka mo ako pinahalagahan
kung kailan kita pinabayaan
saka ka naman nangailangan
kung kailan kita kinakalimutan
saka ka naman nagpaparamdam


07 January, 2008

please naman


hindi ko alam
bakit ka nga ba ganyan
hindi ko maintindihan
parang wala kang pakiramdam
mga araw ay dumaan
pero ako ay parang balewala lang
lumingon ka naman
at ako ay pakinggan
sa aking nararamdaman



06 January, 2008

maghihintay


ako ba'y sawi
sa aking minimithi
ako ba'y talo
sa aking gusto
ako ba'y kawawa
sa aking ginagawa
ako ba'y tanga
sa aking nadarama
basta ang isipin mo
umiibig ako sayo
kahit ayaw mo
andito pa rin ako


05 January, 2008

kiss na tayo


kung meron akong
kasalanan
sana pwede mo akong
pakisabihan
madali lang naman akong
umintindi
basta wag ka lang
manggalaiti
sorry na
peace na tayo
pwede ba
bati na tayo


04 January, 2008

iyong ngiti


huwag ka na magsungit

mukha mo'y magkakaguhit
bakit hindi na lang ngumiti
ilabas ngiping mapuputi
hindi ba't lalabas na maganda ka
at magiging kaakit-akit pa
baka pati nga ako mabighani
kapag nakitang may ngiti sa iyong labi


03 January, 2008

lahat para sayo


hindi ka man abot ng paningin
dadating din ang halik sa hangin
di na kailangan hilingin
dahil sa puso ko ikaw pa din
pakinggan ang tinig
parang may pahiwatig
hindi man napapansin
lahat para sayo pa rin


02 January, 2008

life so be it


magdamag nakatulala
lagi na lang nakatingala
nakatitig sa mga tala
nagiisip ng mga lumang alaala
panahon na lumipas
umaasa maging katulad para bukas
sana ang saya ay hindi kumupas
at lungkot ay hayaan nang lumampas
ang sakit ay huwag indahin
ang sarap ay namnamin
ang hirap ay kayanin
ang mga pagsubok ay harapin
ganyan naman nga ang buhay
hindi dapat tumigil at bumigay
dapat matuto at masanay
dahil sa huli ikaw ang magiging matibay


01 January, 2008

Intro

may pers pows

para sa aking panimula

hayaan bigyan kayo ng tuwa
paisa isang mga talata
mula sa naiisip na mga pananalita
na ilalagay dito sa munting espasyo
na alay ko para sa inyo
ipapakita ang munting talento
kasama na ang mga maiimbento
hindi man ituring na matalino
sana kayo ay maenganyo
magbasa, magisip at magkomento
ng tulad ng isang magaling na pilipino
simple kung babasahin
malalim kung susuriin
mahirap kung babalewalain
sayang kung hindi papansinin
sana mula sa ngayon
sabayan ninyo ako sa aking imahinasyon
bigyan ng sapat na panahon
at nararapat na atensyon

salamat...
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape