Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Pinapayuhan ang lahat na ang mga maaaring makuha, malaman, makita at mabasa dito ay hindi sinasadyang makasama sa damdamin nino man.

Dahil sa ang lahat ay sanhi lamang ng mapaglarong isip, malawak na imahinasyon at pinagsama-samang salita upang maging kabuuan nitong isang masasabing nakakamanghang libangan.


Hindi din ginagarantiyahan na ang lahat ay sasangayon sa inyong nalalaman, nararanasan, nararamdaman at sa mga pansari-sariling pinaniniwalaan.

Ganun pa man, ang inyong pagdaan ay isang malaking karangalan.

Salamat at sana kayo ay magkaron ng kasiyahan.

- chalk.ph
* for any concern, you may email me at chalk.ph@gmail.com

how do you find the site?

12 January, 2008

kwentong sabog

kahapon ng umaga
nagising ako ng alas ocho y medya
nagbukas ako ng telebisyon
at nilipat sa iba't ibang istasyon
hindi ako natuwa
kaya naisip kong bumangon na lang nga
pag tayo ko ng kama
naramdaman ko hinihila na ako ng kubeta
dahan dahan ko tinungo
ang trono ni mang doro
at pag lapat ng aking katawan
lumabas na ang laman ng aking tyan
kasama ang nakain kong malinamnam na ham
hindi ko maiiwasan
pero kay mang doro ako ay magpaalam
tutal lahat nasalo niya
kaya sana siya ay masaya na
pakatapos naligo ako
nagshampoo ng ulo
nagsabon ng mukha
katawan, hangang paa
hindi ko na namalayan
pati oras aki'y napabayaan
napasarap aking karanasan
kaya almusal ay hindi na naabutan
yun pala ay alas dose na
at sigurado tanghalian ay nakahanda na
nagmadali akong nagbanlaw
para mahigop pa nang mainit ang sabaw
pagkatapos dinampot ko ang sipilyo
at inisnis na sa ngipin ko
dahan dahan para swabe
at mga ngipin ay maging maputing disente
nagpunas na ako ng twalya
at nagdamit ng kulay pula
hangang dito na lang siguro muna
salamat sa pagbasa


No comments:

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape